Mas mahigpit na inspeksyon sa mga ibinebentang karneng baboy iginiit

By Erwin Aguilon October 29, 2019 - 12:17 PM

Hinimok ni House Deputy Majority Leader Bernadette Herrera-Dy ang Department of Agriculture, National Meat Inspection Service at iba pang concerned agencies na mas higpitan pa ang inspeksyon sa mga karneng ibinebenta sa merkado sa harap ng banta ng African Swine Fever.

Ayon kay Herrera-Dy, dapat tiyakin ng mga otoridad walang mahahalong karne na botcha o double-dead na baboy lalo na sa processed meat products gaya ng tocino, longganisa at hotdog.

Bagaman mapagkakatiwalaan ang pahayag ng Department of Health (DOH) na hindi nakakahawa sa tao ang ASF, nakababahala aniya ang posibilidad na namatay pala sa naturang virus ang baboy na inihahain sa hapag-kainan.

Pinakiusapan din nito ang mga hog raisers na huwag nang ipuslit, katayin o gilingin ang mga alagang may sakit para lamang mabawi ang puhunan.

Mainam naman aniya kung bibigyan ng Agriculture Department ng cash assistance ang hog raisers kasama na ang large-scale ventures para hindi na itago o ipuslit ang mga may sakit na baboy.

Kailangang din anyang magpakalat ng mga tauhan ang DILG pati na mga barangay tanod para tumulong sa DA na siguruhing ligtas ang suplay ng karne sa bansa.

TAGS: African Swine Fever, ASF, DA, doh, hog raisers, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, African Swine Fever, ASF, DA, doh, hog raisers, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.