Rapid Damage Assessment isinasagawa na sa mga lugar na tinamaan ng 6.6 magnitude na lindol sa Mindanao

By Dona Dominguez-Cargullo October 29, 2019 - 12:08 PM

Tinutugunan na ng pamahalaan ang mga pangangailangan ng mga apektadong residente ng malakas na lindol sa ilang bahagi ng lindol.

Sa ulat ng Phivolcs naitala ang 6.6 magnitude na lindol kung saan sa Tulunan, Cotabato ang naging epicenter.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, may ginagawa nang rapid damage assessment ang lahat ng reponsableng government agencies at local government units para maayos na mailatag ang rescue at relief operations.

Mahigpit na aniyang minomonitor ng national government sa pamamagitan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council at Office of the Civil Defense ang sitwasyon sa Mindanao.

Kasabay nito, umaapela ang palasyo sa publiko na maging kalmado subalit dapat na maging alerto.

Iwasan na rin aniya ang pagpapakalat ng maling impormasyon na maaring magdulot ng panic, stress o alarma sa publiko.

Hinihimok din ng palasyo ang publiko na mag-monitor sa mga bulletin o update na ipinalababas ng pamahalaan.

TAGS: 6.6 magnitude, Cotabato, Mindanao Quake, office of the civil defense, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, rapid damage assessment, tagalog news website, Tulunan, 6.6 magnitude, Cotabato, Mindanao Quake, office of the civil defense, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, rapid damage assessment, tagalog news website, Tulunan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.