Ilang mag-aaral sugatan matapos gumuho ang isang paaralan sa Tulunan, Cotabato

By Dona Dominguez-Cargullo October 29, 2019 - 11:45 AM

Ilang mag-aaral ang nasugatan matapos na gumuho ang isang paaralan sa Tulunan, Cotabato.

Bumagsak ang bubungan ng Daig Elementary School sa Tulunan, nang tumama ang magnitude 6.6 na lindol, Martes (Oct. 29) ng umaga.

Sa Facebook post ng isang guro sa paaralan, makikita ang mga estudyante na nasa school grounds na pero ilan sa kanila ang sugatan.

Binigyan muna ng first aide ang mga nasugatang mag-aaral at saka dinala sa ospital.

Humihingi rin sila ng tulong sa lokal na pamahalaan para mabigyang ayuda ang mga nasugatang mag-aaral partikular ang gastos sa pagpapagamot.

TAGS: Cotabato, Daig Elementary School, earthquake, PH news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, Tulunan, Cotabato, Daig Elementary School, earthquake, PH news, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, Tulunan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.