Pangulong Duerte nahihirapan sa pagpili ng bagong PNP chief

By Chona Yu October 29, 2019 - 11:42 AM

INQUIRER FILE PHOTO | EDWIN BACASMAS
Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na nahihirapan siyang pumili ng bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) kapalit ni dating PNP Chief Oscar Albayalde.

Sa ambush interview sa pangulo sa Malakanyang Lunes ng gabi, sinabi nito na mahirap makahanap ng tamang pulis na akma sa puwesto.

Katapatan o honesty ang pangunahing ikinukunsidera ni Pangulong Duterte sa pagpili ng bagong PNP chief.

Ayon sa pangulo, hindi naman “messy” ang PNP pero talagang mahirap ang pagpili ng kapalit ni Albayalde.

Matatandaang kusang bumaba sa puwedto si Albayalde noong Oct. 14 matapos madawit sa isyu ng ‘ninja cops’ kahit na sa Nov. 8 pa sana ang kanyang mandatory retirement age na 56.

Sa ngayon, tatlong pangalan ang lumulutang na posibleng pumalit kay Albayalde, ito ay sina Lt. Gen. Archie Gamboa, na tumatayong officer-in-charge ngayon ng PNP at sina Lt. Gen. Camilo Cascolan, at Maj. Gen. Guillermo Eleazar.

TAGS: new pnp chief, PH news, Philippines Breaking news, PNP, president duterte, Radyo Inquirer, tagalog news website, new pnp chief, PH news, Philippines Breaking news, PNP, president duterte, Radyo Inquirer, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.