Ayon sa Phivolcs, ang pinakamalakas na aftershock na naitala ay magnitude 6.6 na naramdaman alas 10:42 ng umaga.
Ilang minuto matapos ang malakas na lindol ay naitala din ang magnitude 3.5 sa Tulunan, alas 9:25 ng umaga.
At makalipas ang isang minuto lang o alas 9:26 ng umaga ay tumama ang magnitude 3.9 na aftershock.
9:28 ng umaga ay naitala pa ang 4.3 magnitude na lindol at naitala ang Instrumental Intensity II sa Tupi, South Cotabato at Alabel, Sarangani at Intensity I sa General Santos City.
Naitala din ang magnitude 3.7 alas 10:06 ng umaga sa Tulunan.
Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum aasahan pa ang magkakasunod na aftershocks sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.