6.1 magnitude na aftershock naitala sa Tulunan, Cotabato
Magkakasunod na aftershocks na ang naitala sa Tulunan, Cotabato matapos ang magnitude 6.6 na lindol.
Ayon sa Phivolcs, ang pinakamalakas na aftershock na naitala ay magnitude 6.6 na naramdaman alas 10:42 ng umaga.
Ilang minuto matapos ang malakas na lindol ay naitala din ang magnitude 3.5 sa Tulunan, alas 9:25 ng umaga.
At makalipas ang isang minuto lang o alas 9:26 ng umaga ay tumama ang magnitude 3.9 na aftershock.
9:28 ng umaga ay naitala pa ang 4.3 magnitude na lindol at naitala ang Instrumental Intensity II sa Tupi, South Cotabato at Alabel, Sarangani at Intensity I sa General Santos City.
Naitala din ang magnitude 3.7 alas 10:06 ng umaga sa Tulunan.
Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum aasahan pa ang magkakasunod na aftershocks sa mga lugar na naapektuhan ng lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.