Mga paaralan, iba pang pasilidad sa Davao City ipinasusuri matapos ang 6.6 magnitude na lindol sa Tulunan, Cotabato

By Dona Dominguez-Cargullo October 29, 2019 - 10:03 AM

Naramdaman din ang malakas na pagyanig sa Davao City bunsod ng magnitude 6.6 na lindol na tumama sa Tulunan, Cotabato.

Iniutos na ni Davao City Mayor Sara Duterte ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas public at private sa lungsod kabilang ang mga nasa post graduate studies.

Ayon kay Mayor Sara Duterte ang malakas na pagyanig ay maaring nagdulot ng pinsala sa mga gusali, pasilidad at mga bahay.

Inatasan ang lahat ng school owners na magsagawa ng safety inspection sa kanilang mga paaralan na pamamahalaan ng qualified engineer.

Kung sakaling may depekto na makikita at kakailanganin ng agarang pagkumpuni ay hindi muna dapat pabalikin sa klase ang mga mag-aaral.

Bukas, Oct. 30 sinabi ni Mayor Sara na magiging case to case basis ang suspensyon ng klase at ipinaubaya sa pamunuan ng mga paaralan ang pag-aanunsyo.

TAGS: 6.4 magnitude, Davao City, earthquake, lindol, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, tulunan cotabato, 6.4 magnitude, Davao City, earthquake, lindol, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, tulunan cotabato

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.