Klase sa mga paaralan, pasok sa trabaho sinuspinde sa General Santos City dahil sa malakas na lindol

Naramdaman din ang malakas na pagyanig sa iba pang bahagi ng Mindanao bunsod ng panibagong 6.4 magnitude na lindol na tumama sa Cotabato.

Sa General Santos City, inilabas ng pagamutan ang mgas pasyente sa Saint Elizabeth Hospital dahil sa naramdamang malakas na lindol.

Naglabasan din ang mga mag-aaral sa iba’t ibang paaralan.

Kasunod ng malakas na pagyanig ay nagdeklara na ng suspensyon ng klase all levels, public at private si General Santos City Mayor Ronnel Rivera.

Sinuspinde rin ang pasok sa trabaho sa gobyernoa t mga pribadong tanggapan.

Ito ay para makapagsagawa ng preemptive response at masuri muna ang mga pasilidad matapos ang malakas na pagyanig.

Read more...