Klase sa mga paaralan, pasok sa trabaho sinuspinde sa General Santos City dahil sa malakas na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo October 29, 2019 - 09:53 AM

Naramdaman din ang malakas na pagyanig sa iba pang bahagi ng Mindanao bunsod ng panibagong 6.4 magnitude na lindol na tumama sa Cotabato.

Sa General Santos City, inilabas ng pagamutan ang mgas pasyente sa Saint Elizabeth Hospital dahil sa naramdamang malakas na lindol.

Naglabasan din ang mga mag-aaral sa iba’t ibang paaralan.

Kasunod ng malakas na pagyanig ay nagdeklara na ng suspensyon ng klase all levels, public at private si General Santos City Mayor Ronnel Rivera.

Sinuspinde rin ang pasok sa trabaho sa gobyernoa t mga pribadong tanggapan.

Ito ay para makapagsagawa ng preemptive response at masuri muna ang mga pasilidad matapos ang malakas na pagyanig.

TAGS: Cotabato, General Santos City, lindol, magnitude 6.4, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, Tulunan, walang pasok, Cotabato, General Santos City, lindol, magnitude 6.4, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, Tulunan, walang pasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.