BREAKING: Tulunan, Cotabato muling niyanig ng malakas na lindol
(UPDATE) Niyanig ng magnitude 6.6 na lindol ang bayan ng Tulunan sa Cotabato.
Naitala ang lindol sa layong 25 kilometers ng Tulunan alas-9:04 ng umaga ng Martes, Oct. 29.
Ayon sa Phivolcs, 7 kilometers lamang ang lalim ng lindol.
Aasahan din ayon sa Phivolcs ang pinsala at afterschocks bunsod ng malakas na pagyanig.
Ang naturang pagyanig ay mas malakas pa kumpara sa magnitude 6.3 na tumama sa Tulunan kamakailan na nagdulot ng matinding pinsala.
Naitala ng Phivolcs ang sumusunod na mga intensities:
Intensity VII
– Tulunan at Makilala, Cotabato
– Kidapawan City
– Malungon Sarangani
Intensity VI
– Davao City
– Koronadal City
– Cagayan De Oro City
Intensity V
– Tampakan, Surallah at Tupi, South Cotabato
– Alabel, Sarangani
Intensity IV
– General Santos City
– Kalilangan, Bukidnon
Intensity III
– Sergio Osmena Sr., Zamboanga Del Norte
– Zamboanga City
– Dipolog City
– Molave, Zamboanga Del norte
– Talakag, Bukidnon
Intensity I
– Camiguin, Mambajao
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.