Tuguegarao City nagdeklara ng half-day suspension sa klase at trabaho sa Oct. 31

By Dona Dominguez-Cargullo October 29, 2019 - 08:55 AM

Nagdeklara ng half-day suspension sa klase at trabaho sa gobyerno sa Tuguegarao City, sa Oct. 31 araw ng Huwebes at bisperas ng Undas.

Ang deklarasyon ay nilagdaan ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano, para mabigyang pagkakataon ang publiko na makapaghanda sa Undas lalo na ang mga bibiyahe pa ng malayo.

Nakasaad sa deklarasyon na sa Oct. 31, half-day lang ang klase sa lahat ng antas sa lungsod public at private.

Ang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno ay half-day lamang din o hanggang alas 12:00 ng tanghali lamang.

Hinimok naman ni Soriano ang mga pribadong kumpanya na magpatupad din ng half-day suspension ng trabaho para sa kanilang mga empleyado.

TAGS: all levels, classes, government work, half-day suspension, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, Tuguegarao City, all levels, classes, government work, half-day suspension, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, Tuguegarao City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.