Isa patay sa sunog sa Malate, Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo October 29, 2019 - 08:45 AM

Isa ang kumpirmadong nasawi sa sunog na naganap sa Guerrero Street sa Malate, Maynila.

Ayon sa Manila Fire Bureau, nagsimula ang sunog bago mag alas 6:00 ng umaga sa isang bahay sa Guerrero Street na mayroon ding kainan.

Umabot lang ito sa unang alarma at naideklarang fire out alas 7:14 ng umaga.

Isang lalaki ang nakumpirmang nasawi sa nasabing sunog.

Umabot namansa P200,000 ang halaga ng mga ari-ariang napinsala.

Patuloy pang iniimbestigahan kung ano ang pinagmulan ng apoy.

TAGS: fire incident, malate manila, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website, fire incident, malate manila, PH news, Philippines Breaking news, Radyo Inquirer, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.