Mahigit 100 PUV drivers sa Ormoc na isinailalim sa drug test, nag-negatibo
Aabot sa 111 na driver ng van, mga bus at iba pang public utility vehicles (PUVs) ang isinailaim sa drug test sa Ormoc City.
Ayon kay Ormoc City Mayor Richard Gomez, ang lahat ng mga tsuper ay nag-negatibo sa drug test.
Isinagawa ang random drig test sa mga terminal ng bus, van at iba pang pampublikong sasakyan sa Ormoc City.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Armel Gongona, hepe ng Ormoc City Police Office (OCPO),
aaobt sa 48 na driver ng jeep, 11 druver ng bus, at 52 driver ng van ang kanilang nasuri.
Ginawa ng pulisya ang drug test katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency, Land Transportation Office, Land Transportation and Franchising Regulatory Board at Highway Patrol Group.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.