Sa abiso ng MIAA, nagpalabas ito ng mga paalala para maging maayos ang biyahe ng mga pasahero.
Kabilang dito ang mga sumusunod na paalala:
– Siguraduhing kayo ang nag-impsake ng bagahe. Huwag tatanggap ng padala kung hindi nakita kung paano ito inimpake
– Alamin ang mga pwede at hindi pwedeng dalhin sa flight upang hindi maabala.
– Para sa mga international flights, siguraduhing higit sa anim na buwan ang validity ng pasaporte
– Para sa domestic flights, magdala ng alinman sa mga government issued IDs tulad ng driver’s license. postal ID at iba pa
– Siguraduhin ang schedule ng flight
– I-check ang kalagayan ng traffic sa mga kalyeng daraanan patungong NAIA upang makahanap ng alternatibong ruta patungong airport
– Sumunod sa mga patakaUndaran ng paliparan nang hindi maabala
Ayon sa MIAA, kung may mga katanungan pa, maaring mag-text sa NAIA text hotline na 09178396242 o 09188396242.
Maari ding tumawag sa NAIA voice hotline na 8871-1111.Sa abiso ng MIAA, nagpalabas ito ng mga paalala para maging maayos ang biyahe ng mga pasahero.