Babaeng Korean kinasuhan ng involuntary manslaughter dahil sa paghikayat sa kaniyang Pinoy na BF na magpakamatay
Ipinagharap na ng kasong involuntary manslaughter ang babaeng Korean at dating estudyante ng Boston College kaugnay sa pagpapakamatay ng kaniyang Pinoy na boyfriend.
Ayon kay Rachael Rollins ng Suffolk County district attorney, si Inyoung You, 21 anyos ang naging dahilan ng pagpapakamatay ng boyfriend niyang si Alexander Urtula 22 anyos.
Sa ulat ng The Washington Post, kapwa estudyante ng Boston College ang dalawa nang mangyari ang insidente noong May 20.
Graduation noon ni Urtula at nasa Boston ang kaniyang buong pamilya para saksihan ang kaniyang pagtatapos.
Pero 90 minuto bago magsimula ang graduation ceremony ay tumalon si Urtula sa gusali dahilan para siya ay masawi.
Sa ginawang imbestigasyon, si Urtula ay dumanas ng physically, verbally at psychologically abuse sa 18 taon nilang relasyon ni You.
Libu-libong text messages ni You kay Urtula ang naidokumento sa imbestigasyon kung saan paulit-ulit nitong hinihimok ang boyfriend na magpakamatay na lang.
Ilang beses na sinabihan ni You si Urtula na wala itong silbi sa kaniya, kaniyang mga kaibigan at kaniyang pamilya kaya mas mabuting mawala na lang ito sa mundo.
Sa huling dalang buwan ng kanilang relasyon, umabot sa 47,000 na text messages ang ipinadala ni You kay Urtula at marami dito may mga katagang “go kill yourself” o “go die”.
Ayon sa district attorney’s office, kontrolado ni You si Urtula base sa mga nabasa nilang palitan ng coversation ng dalawa.
Si Urtula ay aktibo sa Philippine Society of Boston College.
Nagtrabaho din siya bilang research assistant sa Brigham and Women’s Hospital sa Boston mula 2017.
Sa mga dumaranas ng depresyon narito ang mga numerong maring tawagan.
National Center for Mental Health (Concerns Hotline)
– 0917 899 8727 (USAP)
– 0917 989 8727 (USAP)
In Touch Community Services (Crisis Line)
– (02) 893-7603
– 0917-800-1123
– 0922-893-8944
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.