Binabantayang LPA lalabas na ng bansa ngayong araw

Lalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang low pressure area (LPA) na nasa bahagi ng Palawan.

Ayon sa 4am update ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 320 kilometro Hilagang-Kanluran ng Puerto Princesa.

Patuloy pa rin itong magdadala maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa CALABARZON, MIMAROPA, mga lalawigan ng Aklan, Antique at Capiz.

Inaasahan ding magiging ganap na bagyo ang LPA habang kumikilos papalayo ng bansa.

Samantala, dahil naman sa northeast monsoon o hanging Amihan, asahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may tyansa ng pulo-pulong mahinang pag-ulan sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Sa Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas, at buong Mindanao inaasahan ang maalinsangan na panahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan na dulot ng localized thunderstoms.

Walang nakataas na gale warning sa mga baybaying dagat ng bansa kaya’t malayang makapaglalayag ang mga mangingisda.

Read more...