Patay sa anti-gov’t protests sa Iraq, 220 na; curfew ipinatutupad sa Baghdad
Nagdeklara ng night-time curfew ang Iraqi government sa Baghdad, ang kabisera ng bansa, sa gitna ng nagpapatuloy na malawakang anti-government protests.
Ito ay matapos masawi ang lima pang ralyista sa Baghdad, araw ng Lunes.
Sa ilalim ng curfew, bawal muna ang mga sasakyan at mga tao sa kalsada sa pagitan ng 12:00 ng hatinggabi hanggang alas-6:00 ng umaga.
Tinangkang okupahin ng mga demonstrador ang central Tahrir Square araw ng Lunes dahilan para magpakawala ng tear gas ang security forces.
Layon ng hakbang ng mga awtoridad na pigilang makatawid ang mga raliyista sa tulay patungong Green Zone na kinalalagyan ng mga tanggapan ng gobyerno at foreign embassies.
Mula noong October 1 umabot na sa 220 ang nasawi kung saan 74 ay naitala lamang nitong weekend.
Ang kilos-protesta sa Iraq ay bunga ng pagnanais ng mga mamamayan sa mas maraming trabaho, mas magandang serbisyo-publiko at wakasan na ang korapsyon.
Nangako na si Prime Minister Adel Abdul ng reporma sa gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.