(UPDATE) Anim na magkakasunod na pagsabog ang yumanig sa sentro ng Jakarta na capital ng Indonesia.
Sa ulat ng Agance France Presse (AFP) Hindi bababa sa apat ang naitala nang nasawi dahil sa mga pagsabog na naganap sa magkakahiwalay pero magkakalapit lamang na lugar sa Jakarta.
Sa official twitter account naman ng Jakarta police, ang isang pagsabog ay naganap sa shopping center na Sarinah mall.
Isa umanong suicide bomber ang nagpasabog ng bomba.
Sa mga larawan naman mula sa mga netizens, isa sa mga pasagbog ay naganap sa checkpoint malapit sa UN Information Center at Starbucks café.
Nagdulot ng matinding panic sa mga taong nasa lugar ang naganap na pagsabog.
Ayon sa AFP, posibleng nasa lugar pa ang mga suspek dahil may mga palitan pa ng putok na naririnig matapos rumesponde ang mga tauhan ng SWAT.