Magkakasunod na pagsabog sa Jakarta, 7 patay

By Dona Dominguez-Cargullo January 14, 2016 - 01:10 PM

TWITTER PHOTO
TWITTER PHOTO / @Surveillance911

(UPDATE) Anim na magkakasunod na pagsabog ang yumanig sa sentro ng Jakarta na capital ng Indonesia.

Sa ulat ng Agance France Presse (AFP) Hindi bababa sa apat ang naitala nang nasawi dahil sa mga pagsabog na naganap sa magkakahiwalay pero magkakalapit lamang na lugar sa Jakarta.

Sa official twitter account naman ng Jakarta police, ang isang pagsabog ay naganap sa shopping center na Sarinah mall.

TWITTER PHOTO
TWITTER PHOTO / @chubel

Isa umanong suicide bomber ang nagpasabog ng bomba.

Sa mga larawan naman mula sa mga netizens, isa sa mga pasagbog ay naganap sa checkpoint malapit sa UN Information Center at Starbucks café.

Nagdulot ng matinding panic sa mga taong nasa lugar ang naganap na pagsabog.

Ayon sa AFP, posibleng nasa lugar pa ang mga suspek dahil may mga palitan pa ng putok na naririnig matapos rumesponde ang mga tauhan ng SWAT.

TAGS: series of explosions gunfire in central Jakarta, series of explosions gunfire in central Jakarta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.