LeBron James isa sa mga evacuees dahil sa sunog sa California

Kabilang si NBA star LeBron James sa mga inilikas dahil sa malawakang sunog sa Southern California.

Ito ay matapos na kumalat na ang apoy ng mahigit 70 ektarya.

Sa kanyang tweet ay sinabi ni James na naghahanap sila ng kanyang pamilya ng malilipatan matapos ang kanilang emergency evacuation.

Nanalangin ng dasal ang Los Angeles Lakers player at sinabi nito na hindi biro ang mailikas dahil sa sunog.

Makalipas ang ilang sandal ay nag-abiso si James na may nakita na silang malilipatan pero ipinagdarasal pa rin nito na nakaligtas din ang ibang nasunugan.

 

Read more...