Lalaki arestado sa marijuana at baril sa Makati

By Len Montaño October 29, 2019 - 04:06 AM

File photo

Arestado ang isang lalaki matapos itong makuhanan ng marijuana, baril at mga bala sa operasyon ng pulisya sa Barangay Guadalupe Nuevo, Makati City Martes ng madaling araw.

Ikinasa ang pulisya ang buy bust operation laban sa suspect na nakilala sa alyas na Asiong.

Makalipas ang isang linggong pagmomonitor ay nagkaroon ng transaksyon sa pagitan ng suspect at poseur-buyer.

Nasa P20,000 halaga ng droga ang binili ng nagpanggap na buyer at matapos magbayaran ay agad na hinuli si alyas Asiong.

Nakuha rito ang dalawang balot ng marijuana na nagkakahalaga ng mahigit P100,000, isang kalibre .22 na baril at mga bala.

Nabatid na nakikipag-deal ang suspect sa kanyang mga customers sa pamamagitan ng social media.

 

TAGS: alyas Asiong, bala, buy bust, kalibre .22, lalaki, Marijuana, social media, alyas Asiong, bala, buy bust, kalibre .22, lalaki, Marijuana, social media

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.