Lalaking wanted sa pagpatay sa Maynila arestado

By Len Montaño October 29, 2019 - 04:01 AM

Matapos ang mahigit isang taong pagtatago, nahulog din sa kamay ng batas ang isang lalaking wanted sa pagpatay sa isang entertainer sa Maynila Martes ng madaling araw.

Arestado ang suspect na si Ace Mondragon sa pinagtataguan nito sa Zambales.

Ayon sa pulisya, si Mondragon ang sinasabing pumatay sa biktimang si Eunice Espinosa noong 2017.

Natunton ang lokasyon ni Mondragon matapos makatanggap ng tip ang pulisya.

Nasa 27 beses na sinaksak ng suspect ang biktima dahil umano sa selos.

Nakakulong na ngayon si Mondragon sa Malate Police Station.

 

TAGS: entertainer, lalaki, Malate Police Station, manila, pagpatay, selos, tip, wanted, zambales, entertainer, lalaki, Malate Police Station, manila, pagpatay, selos, tip, wanted, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.