Pilipinas naglabas ng travel advisory sa Paris dahil sa mga insidente ng pagnanakaw
Naglabas ng travel advisory ang Philippine Embassy sa France araw ng Lunes para payuhang mag-ingat ang mga Filipinong bibisita sa bansa partikular sa Paris.
Ito ay dahil sa kaliwa’t kanang insidente ng nakawan mula istasyon ng tren, airports hanggang mismong sa mga hotel at apartments.
Nagbigay ng safety guidelines ang embahada para sa mga Filipino kung saan pangkahalatang pina-aalala ang pag-iingat sa personal belongings tulad ng bags, wallets, cellphone at personal items.
Hindi rin pinagdadala ng maraming cash ang mga Pinoy at hinimok na gumamit na lang ng cards ngunit takpan kapag pipindot na ng pin.
Sakaling mangailangan ng tulong, maaaring tawagan ang embahada sa 14/7 emergency hotline na +33 6 20 59 25 15.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.