Cayetano: Kamara magiging patas sa pagdinig sa franchise renewal ng ABS-CBN

By Rhommel Balasbas October 29, 2019 - 03:22 AM

Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano na magiging patas ang Kamara sa gagawing deliberasyon sa franchise renewal ng TV station na ABS-CBN.

Nakatakda nang mag-expire ang prangkisa ng giant network sa March 30, 2020.

Ayon kay Cayetano, posibleng sa Disyembre pa masimulan ang pagdinig sa franchise renewal.

Ito ay dahil kailangan munang matapos ng Kongreso ang ratipikasyon ng panukalang P4.1 trilyong 2020 national budget.

Kumpyansa si Cayetano na makakahanap ng resolusyon ang management ng ABS-CBN sa mga kinahaharap na isyu.

Una nang nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na haharangin ang franchise ng renewal dahil sa umano’y hindi pag-ere ng kanyang campaign advertisements noong 2016 elections.

Pero naglinaw si Presidential Spokesperon Salvador Panelo na pagpapahayag lang ng inis ang banta ng pangulo at nasa kamay naman ng Kongreso ang franchise renewal.

Hindi umusad ang mga panukala para sa franchise renewal ng ABS-CBN noong 17th Congress.

Sa liderato ni Cayetano, nananatiling nakabinbin sa committee on legislative franchises ang mga panukala para sa franchise renewal kabilang ang inihain ni House Deputy Speaker Vilma Santos-Recto.

 

TAGS: 17th congress, 2016 elections, ABS-CBN, Alan Peter Cayetano, campaign advertisements, franchise, House Deputy Speaker Vilma Santos-Recto, renewal, Rodrigo Duterte, TV station, 17th congress, 2016 elections, ABS-CBN, Alan Peter Cayetano, campaign advertisements, franchise, House Deputy Speaker Vilma Santos-Recto, renewal, Rodrigo Duterte, TV station

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.