ALAMIN: Suspensyon ng number coding scheme sa Undas

By Len Montaño October 29, 2019 - 02:33 AM

Inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang suspensyon ng number coding scheme para sa Undas.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, suspendido ang coding para sa mga provincial buses sa Huwebes, October 31 at Lunes, November 4.

Wala namang coding sa lahat ng sasakyan sa Biyernes, November 1 na isang non-special holiday.

Ayon sa MMDA, ang hakbang ay dahil sa inaasahang dagsa ng mga pasahero na pupunta sa kanilang mga probinsya para sa taunang All Souls’ Day at All Saints’ Day.

Una nang sinabi ni Lim na hindi pwedeng mag day-off at mag-absent ang kanilang mga traffic enforcers sa October 31, November 1 at November 4.

 

TAGS: All Saint's Day, All Soul's Day, mmda, MMDA Chairman Danilo Lim, number coding scheme, suspensyon, Undas, All Saint's Day, All Soul's Day, mmda, MMDA Chairman Danilo Lim, number coding scheme, suspensyon, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.