Inanyayahan ng LRTA ang publiko na sumali sa contest na gagawin ngayong Martes, October 29, 2019 mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon.
Narito ang mechanics sa pagsali sa contest:
- I-like at i-follow ang opisyal na Twitter account ng LRTA na @OfficialLRTA at Facebook account ng LRT-2 na https://www.facebook.com/lrta.dotc
- Sumakay ng LRT-2 na naka-halloween costume pagkatapos ay magpakuha ng litrato sa Halloween Photobooth sa Cubao Station
- I-upload ang “best Halloween selfie” sa inyong social media accounts at gamitin ang dalawang hashtags na #HalloweenLRTreat2 at #MediaPuzzle
- I-tag ang opisyal na social media accounts ng LRT-2
Para sa winners, pipiliin ng LRTA at Media Puzzle Holdings Inc. ang tatlong “most creative pictures.”
Ang contest proper ay mula 1:30 ng hapon ngayong araw at iaanunsyo ang mga nanalo dakong 3:00 ng hapon.
Ayon sa LRTA, ang mga premyo ay ibigay bukas Miyerkules, October 30, 2019.
MOST READ
LATEST STORIES