OTS nagpaalala kaugnay ng pagdadala ng likido at ‘flammable materials’ sa biyahe sa eroplano
Nagpaalala ang Office of Transportation Security (OTS) kaugnay sa pagdadala ng likido at flammable materials sa biyahe sa eroplano.
Ayon sa OTS, ang mga likido, aerosol at gel na nakalagay sa container at may timbang na mahigit 100ml ay kailangang ilagay sa check-in baggage.
Habang ang lahat ng liquid items na nasa carry-on bag ay dapat na kasya sa isang transparent re-sealable plastic bag at hindi lalampas ng isang litro.
Samantala, ang lahat ng uri ng liquid, aerosol at gel, anuman ang dami, kung ang label nito ay “flammable,” “corrosive,” at “toxic” ay hindi pwede sa cabin o holding area.
Ayon sa ahensya, ang alituntunin ay para sa ligtas na biyahe ng mga pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.