WATCH: Duterte ibinabala ang pag-takeover sa mga kumpanya ng tubig

Handa si Pangulong Rodrigo Duterte na i-takeover ang pamamahala sa mga kumpanya ng tubig kapag hindi naresolba ang problema sa water supply sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan.

Pahayag ito ng pangulo sa gitna ng muling pagpapatupad ng Maynilad at Manila Water ng water service interruptions.

Kaugnay naman ng Kaliwa Dam Project na solusyon sana sa krisis sa tubig pero tinututulan ng mga environmentalists, gagamitin umano ng pangulo ang kanyang “extra-ordinary power” kaysa pabayaan ang mga mamamayan na walang mainom.

Narito ang report ni Chona Yu.

Read more...