LPA sa Palawan magiging bagyo sa susunod na 24 hanggang 36 oras

Inihayag ng Pagasa ang posibilidad na maging ganap na bagyo ang low pressure area (LPA) na nasa bahagi ng Palawan.

Ayon sa Pagasa, sa susunod na 24 hanggang 36 na oras ay posibleng maging tropical depression ang LPA.

Huli itong namataan 140 kilometers Hilaga ng Puerto Princesa City at nagpapa-ulan na sa ilang bahagi ng bansa.

Asahan ang pag-ulan sa Central Luzon, bahagi ng Southern Luzon, Panay Island at Hilagang Mindanao.

Uulanin din ang Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region at Ilocos Region sa Martes ng hapon.

Habang ilang oras na thunderstorms ang asahan sa ilang bahagi ng Metro Manila.

 

Read more...