Higit P13M halaga ng shabu nasamsam sa PDEA buy bust sa Naga City; 4 arestado

By Len Montaño October 28, 2019 - 11:15 PM

PDEA CamSur photos

Arestado ang dalawang suspects sa magkahiwalay na buy bust operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Naga City kung saan nasamsam ang mahigit P13 milyong halaga ng shabu.

Unang nakuhanan ng isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon ang isang 22 anyos na suspek na si Salic Magoran na gumamit ng puting SUV nang magbenta ng droga sa isang poseur-buyer.

Sunod na naaresto ang tatlong suspects sa operasyon sa isang terminal ng van.

Nakuha sa tatlo ang isang kilo rin ng shabu na nagkakahalaga ng halos P7 milyon.

Nahaharap ang apat na suspects sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: 4 arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Higit P13 milyon, isang kilo, PDEA, suv, 4 arestado, buy bust, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Higit P13 milyon, isang kilo, PDEA, suv

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.