VP Robredo, gagawing anti-drug czar ni Pangulong Duterte
Ibibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang Presidential powers kay Vice President Leni Robredo para pangasiwaan ang kampanya kontra sa ilegal na droga.
Sa talumpati ng pangulo sa oath taking ng mga bagong talagang opisyal ng pamahalaan, sinabi nito na susubukan niya si Robredo na pamahalaan ang kampanya sa susunod na anim na buwan.
Ani Duterte, “I am sending a letter to her through ES Medialdea, I will surrender the power to enforce the law, ibigay ko sa VP, ibigay ko sa kanya mga 6 months. Siya ang magdala, tingnan natin kung anong mangyari. Mas bright ka? Ikaw subukan mo.”
Pero sa ambush interview, sinabi ng pangulo na gagawin niya lamang na anti-drug czar si Robredo.
Ayon sa pangulo, marami kasing reklamo si Robredo kung kaya ipapasa niya ang full powers sa usapin sa ilegal na droga.
“No, I did not — I do not surrender anything. I said if she wants, I can commission her to be the drug czar,” ayon sa pangulo.
Sinabi pa ng pangulo na kinakailangan lamang ni Robredo na magsabi sa kaniya para mabigyan niya ng clean slate ang bise president upang malaman nito kung gaano kadali ang mag-control ng droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.