Malacanang: Aktibidad ng pangulo tuloy-tuloy na dahil sa pagbuti ng kalusugan

By Chona Yu October 28, 2019 - 05:08 PM

Inquirer file photo

Unti-unti nang umaayos ang kalagayan ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung susukatin ang sakit ng muscle spasm na nararanasan ni Pangulong Duterte… on fourth na lamang ito kumpara sa matinding sakit na naranasan habang nasa enthronement ni Emperor Naruhito sa Japan noong nakaraang linggo.

Katunayan, sinabi ni Panelo na nakapag treadmill na ang pangulo.

Tuloy din aniya ang pag inom ni Pangulong Duterte ng pain reliever para tuluyan nang gumaling ang muscle spasm.

“By the way, the President mentioned something about his health. Because I asked him directly, how’s your pain Mr. President. If I’m not mistaken, his response was, the pain is only 1/4 now. 3/4 gone. And also coming from the First Lady, he said that the President had… Anong tawag dun? Treadmill. Nag treadmill siya kahapon”, dagdag pa ni Panelo.

Ngayong araw, may nakatakdang aktibidad si Pangulong Duterte sa Malakanyang kung saan pangungunahan nito ang oath taking ng bagong appointed government officials.

Tuloy din aniya ang biyahe ng pangulo sa Thailand para sa Asean Summit na gaganapin sa Nobyermbre 2 hanggang 4.

TAGS: backpain, duterte, Japan, panelo, treadmill, backpain, duterte, Japan, panelo, treadmill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.