NCRPO chief handang iwan ang pwesto kung uutusan ng liderato ng PNP

By Angellic Jordan October 28, 2019 - 04:31 PM

Inquirer file photo

Handa si National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Brig. Gen. Debold Sinas na bumaba sa pwesto kasunod ng mga kritisismo sa umano’y “anti-media policies” nito.

Sa isang press briefing sa Quezon City, sinabi ni Sinas na wala sa kaniyang problema kung ipag-uutos ito ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa.

Napaulat kasi na sinabihan ni Sinas ang NCRPO Press Corps na gagamitin na ang opisina kung kaya’t kailangang umalis ng grupo ng mga mamamahayag sa lugar.

Nilinaw naman ni Sinas na hindi niya pinaalis ang mga mamamahayag sa halip ay kinuha lamang aniya ang para sa NCRPO.

Sa hiwalay namang press conference, sinabi ni Gamboa na kakausapin niya si Sinas ukol sa kontrobersyal na polisiya.

TAGS: gamboa, NCRPO, ncrpo press corps, PNP, sinas, gamboa, NCRPO, ncrpo press corps, PNP, sinas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.