Ikatlong bagong kaso ng polio naitala sa Maguindanao
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang ikatlong bagong kaso ng polio sa bansa.
Sinabi ni Health Sec. Francisco Duque na nagpositibo sa nasabing uri ng sakit ang isang apat na taong gulang na batang babae mula sa bayan ng Datu Piang sa Maguindanao.
Kaugnay nito ay naghahanda na ang DOH ng isang massive vaccination program sa buong lalawigan ng Maguindanao simula sa Nobyembre 4 hanggang Nobyembre 8.
Pinapayuhan rin ang mag magulang na tiyaking nasa maayos na malinis na lugar ang mga sanggol para makaiwas sa nasabing sakit.
Bago Ito ay nagpositibo rin ang nasabing bata sa acute flaccid paralysis nang siya’y dalhin sa Cotabato Regional Medical Center dahil sa labis na pagdumi at pagsusuka.
Noong nakalipas na October 24 ay kinumpirma the National Institute of Infectious Diseases ang muling pagkakaroon sa bansa ng polio.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.