Pasok sa gobyerno sa Valenzuela City sa Huwebes, Oct. 31 half-day lang

By Dona Dominguez-Cargullo October 28, 2019 - 12:03 PM

Nagdeklara ng half-day work schedule ang City Government ng Valenzuela sa Huwebes, Oct. 31.

Layunin ng deklarasyon na mabigyang pagkakataon ang mga empleyado ng gobyerno sa lungsod na maagang makauwi para gunitain ang Undas.

Sa abiso ng City Government sa kanilang Facebook page, alas 8:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali lang ang serbisyo ng City Hall ng Valenzuela sa Oct. 31.

Mananatili namang may pasok para sa nasabing petsa ang mga nasa tanggapan na may kaugnayan disaster response.

Magugunitang ang Nov. 1 at Nov. 2 lamang ang idineklarang holiday ng Malakanyang para sa paggunita ng Undas.

TAGS: city government, Half day work, October 31, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, undas 2019 PH News, Valenzuela City, city government, Half day work, October 31, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, undas 2019 PH News, Valenzuela City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.