Tatlong empleyado ng LTFRB sa Northern Mindanao sinibak sa serbisyo dahil sa pagkakasangkot sa ‘fixing’

Sinibak sa serbisyo ang tatlong empleyado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Northern Mindanao dahil sa pagkakasangkot sa ‘fixing’.

Nabatid na sangkot sa “fixing activities” ang tatlong empleyado na nakatalaga sa Cagayan de Oro City office ng LTFRB.

Ipinag-utos ni LTFRB-OIC Executive Director Renwick Rutaquio ang agarang termination sa kontrata nina Rustom S. Tolentino, Dahlee Joy A. Saud, at Jamil H. Dimakuta.

Si Tolentino ay driver sa Northern Mindanao Office ng LTFRB, si Saud ay frontline assistant at si Dimakuta, ay inspector.

Unang nakatanggap ng reklamo ang LTFRB laban kina Tolentino at Saud na nanghihingi umano ng P50,000 hanggang P60,000 na dagdag na bayad sa pagproseso ng prangkisa.

Si Tolentino ang kakausap sa mga aplikante at sya ang magre-refer kay Saud.

Samantala, si Dimakuta naman ay inireklamo ng isang taxi operator dahil sa paghingi ng P50,000 para sa pagproseso din ng prangkisa ng kaniyang taxi.

Read more...