Brand ng processed meat na positibo sa ASF dapat pangalanan na ng DA
Hinamon ng isang kongresista ang Department of Agriculture (DA) na pangalanan na ang processed meat products n nag positibo sa African Swine Fever (ASF) virus.
Ayon kay Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo, kailangan itong gawin ng DA para sa kapakanan ng mga consumer.
Habang nanghuhula aniya ang publiko ay lalo lamang nagkakaroon ng ASF scare na makakaapekto na din sa supply at presyo ng baboy.
Iginiit nito na hindi ito dapat mangyari llo na na at papalapit na ang kapaskuhan kung saan karamihan sa mga filipino lalo na ang mga nasa Metro Manila ay bumibili ng mga processed meat.
kung papangalanan na ng DA ang mga kontaminadong produkto ay maililigtas pa ang iba at may mapapagpilian ang publiko.
Dahil dito kaya dapat anyang maging transparent para na rin sa kapakanan ng publiko at mga negosyante ang DA.
Sa ganitong paraan ay mapo protektahan na din ang industriya na hindi apektado ng ASF.
Nauna nang iniulat ng DA na mayroong ilang canned good at meat products ang sinuri at nagpositibo sa ASF virus subalit tumanggi silang pangalanan ito.
Bagaman wala pang inilalabas na brand ang DA ay nauna nang nagsalita ang kumpanyang “Mekeni” at sinabing ligtas ang kanilang mga produkto.
Kusa na ring nagpull out ng kanilang produkto sa merkado ang Mekeni para maipakitang sinsero ito na makapagbigay ng ligtas na produkto sa publiko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.