Mountain climber nasawi habang umaakyat sa Mt. Apo

By Jimmy Tamayo October 28, 2019 - 10:58 AM

FILE PHOTO

Patay ang isang mountain climber makaraang atakihin sa puso habang paakyat ng Mt. Apo sa Makilala, North Cotabato.

Kinilala ang nasawi na si Joel Lape, 57 anyos at residente ng Davao City.

Ayon sa ulat, bandang alas-3:00 ng hapon noong Sabado (Oct. 26) nang mag-collapse si Lape habang umaakyat sa Mt. Apo gamit ang Makilala trail sa Barangay New Israel.

Sinubukan pa umano itong bigyan ng CPR pero tuluyan nang binawian ng buhay.

Naibaba ang bangkay ni Lape linggo ng umaga sa tulong na rin ng rescue team.

Nabatid na kasama pa ng biktima ang kanyang anak at 20 iba pang mountain climbers.

TAGS: mountain climber, Mt. Apo, North Cotabato, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, mountain climber, Mt. Apo, North Cotabato, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.