Inagaw ng Joker ang unang pwesto na hawak ng pelikulang “Maleficent:Mistress of Evil” ng Disney Film base sa resulta ng domestic boc office nitong linggo.
Tumabo ng dagdag na $18.9 milyon ang Joker para mangunang muli sa takilya at ilaglag sa ikalawang pwesto ang pelikula na pinangungunahan ni Angelina Jolie.
Sa ngayon, ang Joker ay itinuturing na “most successful R-rated movie” sa Amerika na kumita na ng $277 milyon sa North America at $571 milyon sa international box office.
Nasa ikatlong pwesto ang The Addams Family ($11.7M), pang-apat ang Zombieland:Double Tap ($11.6M) at pang-lima ang Countdown ($9.0M).
1 Joker ($18.9M)
2 Maleficent: Mistress of Evil ($18.5M)
3 The Addams Family ($11.7M)
4 Zombieland: Double Tap ($11.6M)
5 Countdown ($9.0M)
6 Black and Blue ($8.3M)
7 Gemini Man ($4.0 M)
8 The Lighthouse ($3.0 M)
9 The Current War: Director’s Cut ($2.7 M)
10 Abominable ($2.0 M)