Empleyado at gwardya nasawi sa tangkang panloloob sa grocery store sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo, Jong Manlapaz October 28, 2019 - 10:49 AM

Binawian na ng buhay ang security guard at isa pang empleyado ng isang grocery store na pinasok ng mga armadong lalaki sa Quezon City.

Ang dalawa ay unang iniulat na nasugatan sa insidente ng panloloob kahapon araw ng Linggo (Oct. 27) pero Lunes (Oct. 28) ng umaga binawian sila ng buhay sa ospital.

Pinasok ng mga armadong lalaki ang grocery store sa Brgy. Holy Spirit Linggo ng gabi pero bigo silang mabuksan ang kaha kaya wala silang nakuhang pera.

Nanlaban sa mga suspek ang gwardya at merchandiser ng grocery store dahilan para barilin sila ng mga salarin.

Nagawa namang makapagtago ng cashier.

Lima ang suspek sa tangkang panloloob, apat sa kanila ang pumasok at ang isa ay nagsilbing lookput.

Mabilis na tumakas ang lima sa kay ng tatlong motorsiklo.

TAGS: Holy Spirit, PH news, Philippine breaking news, quezon city, Radyo Inquirer, Robbery, Tagalog breaking news, tagalog news website, Holy Spirit, PH news, Philippine breaking news, quezon city, Radyo Inquirer, Robbery, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.