State of emergency idineklara sa California dahil sa wildfires

By Dona Dominguez-Cargullo October 28, 2019 - 10:41 AM

Nagdeklara ng statewide emergency ang gobernador ng California dahil sa nararanasang wildfires doon.

Umabot na sa halos 200,000 katao ang inilakas sa kanilang mga tahanan.

Maliban dito, umabot na sa milyun-milyong residente ang nawalan ng kuryente.

Ayon kay Gov. Gavin Newsom, idedeploy nila ang lahat ng karampatang resources para matulungan ang mga apektadong residente.

Kumalat ang wildfire dahil sa nararanasang malakas na hangin sa lugar.

Naapula naman na ang dalawang grass fires sa San Francisco Bay Area.

Isa pang grass fire sa bahagi ng state capital ang sumiklab at nakaapekto sa pagmamaneho ng mga motorista.

Sa Santa Clarita malapit sa Los Angeles, 19 straktura na ang nasira sa sunog.

Habang sa Sonoma County may pinakamaraming apektado at umabot na sa 180,000 katao ang inilakas.

TAGS: California, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, wildfires, California, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, wildfires

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.