Mga lalawigan sa Central at Southern Luzon patuloy na uulanin
Patuloy na makararanas ng pag-ulan ang mga lalawigan sa Southern at Central Luzon.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 9:54 ng umaga ng Lunes, Oct. 28 ay katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Bulacan, Laguna, Batangas at Rizal sa susunod na dalawang oras.
Ayon sa PAGASA, ang pag-ulang mararanasan ay may kaakibat na pagkulog, pagkidlat at malakas na hangin.
Parehong lagay ng panahon din ang nararanasan sa Mauban at Tayabas sa Quezon.
Maaring makaranas ng pagbaha sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.