Pulis sugatan matapos aksidenteng pumutok ang kaniyang baril sa Pasay City

Nasugatan ang isang pulis makaraang aksidenteng pumutok ang kaniyang baril sa Pasay City.

Nakilala ang pulis na si Pat. Jun Utto na naka-assign sa Regional Mobile Force Battalion ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Batay sa imbestigasyon ng Pasay City Police, pababa ng jeep ang pulis, Linggo (OCt. 27) ng hapon nang aksidenteng pumutok ang 9MM niyang baril.

Tinamaan si Utto ng bala sa kaniyang kanang tuhod.

Ginagamot si Utto sa San Juan De Dios Hospital.

Read more...