2 patay sa pamamaril sa isang college party sa Texas

By Dona Dominguez-Cargullo October 28, 2019 - 09:44 AM

Patay ang dalawang katao habang sugatan ang labingdalawang iba pa sa insidente ng pamamaril sa nagaganap na college party sa Texas.

Batay sa imbestigasyon, maaring may isang target ang suspek sa naturang party na dinadaluhan ng 750 na katao sa Greenville.

Ayon kay Hunt County Sheriff Randy Meeks, pinaghahanap pa ngayon ang suspek at hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan nito.

Magkakasunod na putok ng baril ang nadinig sa lugar, dahilan para maglabasan sa kalsada ang daan-daang katao.

Ang 12 nasugatan ay pawang natamaan ng mga nabasag na salamin at ang iba ay naipit nang magkatakbuhan na.

Anim naman ang nasugatan sa tama ng bala ng baril, 4 sa kanila ang kritikal ang kondisyon.

Ang dalawang nasawi ay parehong lalaki.

Ayon kay Texas A&M University – Commerce President Mark Rudin, pinagkakalooban na nila ng counseling ang mga estudyante.

TAGS: 2 dead, college party, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website, Texas, Texas A&M University - Commerce, 2 dead, college party, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Shooting Incident, Tagalog breaking news, tagalog news website, Texas, Texas A&M University - Commerce

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.