10 pasahero ng jeep, sugatan sa aksidente sa Cebu

By Dona Dominguez-Cargullo January 14, 2016 - 11:29 AM

Talisay CiytNasugatan ang sampung pasahero ng jeep matapos itong bumangga sa center island at tumagilid sa bahagi ng South Coastal Road sa Talisay City.

Ayon kay Roland Bas, supervisor ng Talisay City – Traffic Operation Development Authority (CT-TODA), naganap ang aksidente alas 6:25 ng umaga.

Patungo aniya ng Cebu City ang mga pasahero sakay ng jeep na minamaneho ni Ranilo Ababa nang mawalan ito ng kontrol sa manibela.

Tumama muna sa center island ng kalsada ang jeep at saka tumagilid dahilan para masugatan ang sampung pasaherong sakay nito.

Apat sa mga sugatang pasahero ay dinala sa Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City habang ang anim na iba pa ay dinala sa Talisay City District Hospital.

Dinala naman sa police station si Ababa para isailalim sa imbestigasyon.

Ang nasabing driver ay nagtamo rin ng galos at pasa sa kaniyang kamay.

TAGS: 10 passengers hurt in an accident in Talisay City, 10 passengers hurt in an accident in Talisay City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.