LOOK: SLEX Filinvest Southbound Exit Ramp, isasara ng 16 na oras sa Nov. 8

Isasara sa daloy ng traffic ang bahagi ng South Luzon Expressway Filinvest Southbound Exit Ramp mula sa (Nov. 8) ng gabi hanggang Nov. 9 ng hapon.

Dahil dito, inaasahan ang pagsisikip sa daloy ng traffic sa nasabing lugar lalo at natapat ng weekend ang gagawing closure at marami ang bibiyahe.

Sa abiso ng SMC Tollways, ang pagsasara sa SLEX Filinvest Southbound Exit Ramp ay mula aas 10:00 ng gabi ng November 8 araw ng Biyernes hanggang alas 2:00 ng hapon ng Sabado, November 9.

It ay dahil mayroong preventive maintenance na gagawin sa lugar.

Ayon sa abiso, para sa mga pantungo ng Alabang/Filinvest ay maaring dumaan na lamang muna sa Bunye-South Station Exit sa nasabing petsa at oras.

Read more...