WALANG PASOK: Lunes, Oct. 28, 2019

(UPDATE) Suspendido ang klase ngayong araw, Oct. 28 sa ilang bayan at lungsod sa Albay dahil sa nararanasang sama ng panahon.

Ayon kay Cedric Daep, Albay Public Safety and Management Office chief, nagdeklara ng suspensyon ang mga lokal na pamahalaan bunsod ng nararanasang pag-ulan.

Narito ang mga lugar na nagsuspinde ng klase:

ALL LEVELS
• Tabaco City
• Ligao City
• Daraga
• Libon
• Pioduran
• Camalig
• Guinobatan

Sa weather advisory ng PAGASA, kabilang ang Albay sa makararanas ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang katamtamang mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat dahil sa LPA na nasa Dumaguete City.

Read more...