Lalaki patay sa pamamaril sa Caloocan

By Rhommel Balasbas October 28, 2019 - 03:52 AM

Nasawi matapos barilin sa labas mismo ng kanyang bahay ang isang lalaki sa Brgy. 35, Maypajo, Caloocan City.

Ayon sa Caloocan Police, nakilala ang biktima na si Mark Lim, 34-anyos, isang tricycle operator.

Nakatayo lamang ang biktima sa tapat nang kanyang bahay kasama ang isang kaibigan nang lumapit ang isang armadong lalaki.

Pinagbabaril ng armadong lalaki si Lim at agad nitong ikinamatay.

Iniimbestigahan na ang motibo sa krimen at kasalukuyang tinutugis ang mga suspek.

TAGS: caloocan city, Maypajo, shot dead, caloocan city, Maypajo, shot dead

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.