Sugatan ang dalawang empleyado matapos looban ang isang isang mini-grocery store sa Air Force Road, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.
Ayon kay Batasan Police chief Police Lt. Col. Romulus Gadaoni, limang armadong lalaki ang nagtangkang manloob sa grocery store.
Sugatan sa panloloob ang gwardya at ang merchandizer ng tindahan na ngayon ay ginagamot sa ospital.
Batay sa isa pang empleyado ng grocery store, nagbibilang siya ng pera mula sa kahera nang makarinig ng dalawa hanggang tatlong putok ng baril.
Naganap anya ang insidente habang walang customer ang tindahan.
Ayon naman sa isang testigo ang mga suspek ay sakay ng tatlong motorsiklo.
Pumasok ang mga ito sa grocery at nagpaputok ng baril.
Walang nakuhang pera at paninda ang mga suspek mula sa grocery store.
Nakatakas ang mga suspek at patuloy na pinaghahanap ng pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.