3 patay sa sunog sa Quezon City

By Rhommel Balasbas October 28, 2019 - 03:45 AM

Courtesy of Jackie Francisco

Tatlo ang nasawi sa sunog na sumiklab sa Maligaya St. Brgy. Pasong Putik, Quezon City, pasado hatinggabi ng Lunes.

Ayon sa BFP-Quezon City, umabot sa ikalawang alarma ang sunog at tuluyan lamang nakontrol alas-2:50 ng madaling araw.

Natupok ang isang hilera ng mga kainan at bahay.

Ang mga nasawi ay isang mag-asawa at kanilang dalawang taong gulang na anak.

Umabot sa 12 pamilya ang nawalan ng tirahan.

Patuloy na inaalam ang sanhi ng sunog na sinasabing nagsimula sa ikalawang palapag ng isang bahay.

TAGS: 3 dead, Brgy. Pasong Putik, quezon city, sunog, third alarm, 3 dead, Brgy. Pasong Putik, quezon city, sunog, third alarm

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.